help me..
God, pwede bang magtanong? am i that stupid not to notice? am i that rude to my ate kaya niya ako laging kinagagalitan? ganon ba ako kasama na lagi ko siyang napapaiyak?
di ko naman alam kung pano ko sila nababastos.. ang labo noh.. di ko naman sinasadya eh.. ang laki na daw ng pinagbago ko simula ng nagManila ako.. totoo b yun? di ko na talaga alam.. from good to bad ang pagbabago "daw".. nagbago ba talaga ako? di ko na alam ang iisipin ko sa sarili ko.. alam ko sigurong nagbago ako, pero di ko napansing nakakasakit na ako..
she demands for my respect.. alam ko ang ibig sabihin niya.. kaya kong gawin yun.. GINAGAWA ko yun.. pero bakit hindi niya maramdaman.. hindi ko alam kung maiinis ako o iintindihin nalang.. may dalawa pa akong ate, pero pagdating sa kanila, makikita mo "daw" na talagang nirerespeto ko sila.. bakit sa kanya di niya mararamdaman? mukhang dalawa lang daw ang ate ko.. ate ko naman siya, nirerespeto ko.. pero bakit ganon nalang ang pagcompare niya sa respetong binibigay ko sa kanya, sa mga ate ko.. kailanagn ko ng tulong..
inaamin ko, madalas ko siyang nababastos.. pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit ganun siya kaapektado.. oo nga pala, kapatid ko.. di ko siya masisisi kung magagalit siya... pero wag niya naman sanang sabihin na dinadaan ko sa laki ang mga bagay-bagay.. na ang pakiramdam ko eh ako ang ate porket mas malaki ako sa kanya in size.. ayoko ng ganun.. please naman, ayoko talaga ng ganun....
sobra na talaga ang lungkot ko.. naiiyak na ako.. ung ate ko, galit sa akin.. ung isa ko pang ate inis din sa akin.. ung kapatid kong lalaki, sinasagot-sagot nalang ako.. ung mama ko, sabi ng ate ko, inis din sa akin dahil medyo kinakayakaya ko nalang.. ung papa, nasabi niya s akin na parang di niya na ako kilala sa mga pinagkikilos ko...... naiiyak na ako... di ko na talaga alam ang gagawin ko.. di ko na kaya.. ako na talaga ang may problema..
sa tuwing kinakausap ako ng masinsinan ng ate ko, umiiyak siya.. di ko alam kung ano ang tamang response sa mga sinasabi niya kaya pinapagpatuloy ko lng yung ginagawa ko sa bahay.. ang manhid ko sobra.. pinapakinggan ko siya.. di niya lang alam, ayoko lang magpakita ng weakness ko sa ibang tao.. kaya hindi ako makaiyak sa harap niya at makapagsorry.. hirap akong magsorry sa mga taong naskatan ko, lalo na pagalam kong malkaing pagkakamali ang nagawa ko.. ayokong umaastang malambot sa harap ng ibang tao.. natatakot akong maging mahina ang tingin nila sa akin.. <...sir, di ba sabi niyo, mabuti ng umiiyak ka para malabas ang niloloob mo...> umiiyak ako, oo, pero ayokong may makakita..
ako nga siguro ang may problema.. may attitude ako.. di ko na alam ang gagawin ko.. inis sa akin ang family ko, naninibago sila sa akin.. di ko na kaya ang mga natatanggap kong salita sa kanila.. ayokong magbago.. ok ako sa ganito pero nasasaktan ko ang kapatid ko.. di ko na talaga alam ang gagawin ko..
God, tulungan niyo ako...
