di ko na alam...
nakakatakot pala noh.. bakit ba, parang unti-unti ko silang binabalikan? seryoso ba ako sa mga pinaggagagawa ko? ito ba talaga ang gusto kong mangyari.. kung bakit ko pa naman kasi siya kinausap.. heto tuloy ako, umaasa.. asa naman ako!!
nakakagulat na malaman, na sa ikli ng panahong di kayo nakapag-usap eh maraming pwedeng mangyari s kanya na di mo inaasahan.. nabigla talaga ako sa sinabi niya s akin.. kasi naman, magtatanong pa ako, hindi naman pala ako handa sa pwedeng maging sagot niya.. kung sabagay, matanda na naman siya
eto naman ang isa pang sitwasyon.. di ko pa siya natatanong pero may gusto akong malaman.. wala pa akong chance para makausap siya.. kasi naman, we are in a different time and place
iba na siguro ang iniisip mo.. siguro, iniisip mo na ako ang naghahabol ngayon... sa totoo lang, ganyan din ang tingin ko sa sarili ko.. di ko na alam ang pinaggagagawa ko.. bigla ko nalang sila naaalala.. siguro meron akong mga nakikita o naririnig na nagpapaalala sa akin.. hehe.. lagi pa kasi akong nagtatanong ng kung ano-ano... hindi naman pala ako handa sa mga sagot..
hay sa wakas nakapaglabas ako ng saloobin.. ang dalas ko kasing iniisip yan eh.. sige, next time ulit.. baka sa next post ko eh natanong ko na yung gusto kong itanong... hehe...

0 Comments:
Post a Comment
<< Home