maling akala...
natanong ko na siya, sa wakas..
di ko napansing naka-OL siya.. bigla nalang akong nakareceive ng message galing sa kanya.. he wants to know kung ano ung itatanong ko.. ayokong sabihin dahil nga "alam kong" tatawanan niya lang ako.. kaya sabi ko nalang na nalaman ko na ung sagot.. anyways, mahaba ung naging usapan namin.. umiikot sa, kung may nililigawan na siya, kung may girlfriend siya at kung may balak siyang ligawan..
eto na naman, di ko na naman alam kung anong sasabihin ko.. gusto ko siya pero di ko alam kung aamin ako.. malayo na siya, matagal pa bago bumalik kaya walang mangyayari kung malalaman pa niya.. kaya sinabi ko nalang oo.. totoo un.. alam ng mga kaibigan ko sa masci na marami akong nagiging crush sa school pero sa totoo lng, hindi talaga siya mawala sa isip ko.. ikinagulat ko ang reaksyon niya.. bakit naman daw walang mangyayari.. nasabi ko pa sa kanya na bka mamaya, tinatawanan niya lang ako kasi para akong bata.. hanggang nabigla ako sa tinanong niya sa akin.....
he asked me to be his girlfriend.. sino ba namang hindi magugulat dun noh? natanong niya na ata sa akin noon 'to eh, hindi ako um-oo.. ngayon naman, hindi ako sumagot agad.. tinanong ko siya kung gusto niya rin ako, sabi niya oo.. tinanong ko din kung mahal niya ako, sabi niya oo.. di ko maiwasang maisip na kaya niya lang ako niyayang maging girlfriend niya kasi alam niyang may mapapala siya sa akin.. hindi naman daw.. hindi naman siya ganun, kilala ko siya kahit papaano.. i said "yes".......
ang hirap ng sitwasyon namin.. malayo kami sa isa't isa.. may kaibigan akong ganito din ang sitwasyon, mahirap daw talaga, time difference din kasi eh.. pero 3 years na sila, malabo lang ngayon.. ung sa amin, 12 hours sakto ang pagitan ng oras namin.. ang hirap noh.. natatakot ako, maiiwasan ko kaya lahat ng maggiging tukso na lalapit sa akin dito? magagawa niya rin kayang iwasan ung mga tukso doon? nagkausap kami kahapo, sabi niya, we just have to trust each other.....
alam ko un.. tsaka, ngayon ko lang naisip, bago pa lang ang relationship namin, ang dami ko ng iniisip.. relax muna kaya ako.. enjoy ko muna 'to....
