A conclusion
madalas kong nakikita ang sarili kong nakatunganga.. nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko.. minsan nga, nakita ako ng mga kapatid kong nagkakaganun eh.. sabi nila mukha daw akong tanga, tinatawanan pa ko.. wala akong pakialam sa kanila.. diko alam pero mas nageenjoy ako ng nakatunganga, matahimik ang paligid, nag-iisa.. maya-maya naaalala ko siya.. siya ang unang pumapasok sa isip ko kapag nakatunganga lang ako.. hindi ko alam kung bakit.. siguro, namimiss ko lang siya.. hindi ko sigurado kung tama ang dahilan kung bakit ako napapatulala, pero sa palagay ko dahilan ito s pangungulila ko sa kanya.. medyo malabo ata yung koneksyon ng pagiging tulala ko at pangungulila ko sa kanya pero ganun talaga..
nakakatuwang isipin na kahit papaano ay dalawang buwan na kami.. ang layo niya kasi.. hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos simula ng maging kami.. bakasyon niya na ngayon.. tinawagan niya ako nung sabado para batiin ng monthsary, mahalaga sa akin un.. pero sa totoo lang, nagtataka na ako sa sitwasyon namin.. hindi kami nag-uusap, lagi lang kaming nagiiwan ng message sa YM kung di naman, magtetext ng isang message phone.. pero kami pa rin ng lagay na yun.. ewan ko pero parang malabo.. sa totoo lang, ayaw ko ng 'long-distance relationship'..
naisip ko ng makipaghiwalay habang maaga pa, habang hindi pa kami lubusang nahuhulog sa isa't isa ngunit wala akong makitang mainam na dahilan upang makipaghiwalay.. sa aking palagay ay hindi dahilan ang aming pagitan para ako makipaghiwalay.. nag-aalinlangan pa rin ako kung magtatagal ang aming relasyon.. hindi ko kasi maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.. hindi ko siya masisi kung magkagusto siya sa ibang babae doon.. maiintindihan ko siya, mahirap nga naman dahil wala ako sa tabi niya.. kapag nagkaganon, gusto kong malaman kaagad.. ayokong maging hadlang para siya'y maging masaya..
ayoko din namang magmalinis.. wala naman akong nagugustuhan dito, pero hindi natin masasabi bukas, makalawa kung ganoon pa rin ang sitwasyon.. may mga nag-alok sa akin nung nakaraang dalawang buwan para magpuno ng pagkukulang niya.. di ako pumayag dahil hindi naman iyo ang hinahanap ko.. ang pagmamahal niya mismo at pag-alala niya ang gusto kong maramdman.. yan ang hindi mabibigay ninuman.. hindi ako sigurado kung hanggang kailan siya magiging akin.. natatakot ako, baka bigla nalang isang araw ay maisipan ko na lamang makipaghiwalay sa kanya ng walang dahilan o kaya dahil may nakita akong nagpapahalaga din at minamahal ako na narito sa aking tabi parati..
mahal ko siya ngunit hindi hanggang sa katayuang ipagwawalang-bahala ko ang isang taong nag-aalay ng pagkalinga at pagmamahal sa akin ng tunay na laging nariyan sa aking tabi......
