Tuesday, November 07, 2006

ay naku, nakakastarstruck sila!


grabe, ang haggard ng araw na ito! kanta ng kanta buong araw.. kanta sa room, kanta sa lobby, kanta sa harap ng main building at kanta sa auditorium.. pero ok lng.. maganda naman yung ginawa namin eh..

grabe kamo, nakakastarstruck talaga ang kagandahan at katangkaran nung mga candidates n pumunta s school.. sila miss Bahamas, Nigeria, Korea, Costa Rica, Lithuania, Nicaragua, Mexico, Chile, Finland, India, Ecuador, Albania tsaka Saint Lucia.. grabe, maganda talaga sila tsaka poised parati..

ano ba naman yan, syempre may pics ako nung mga candidate.. uhm,, ehem,, kasama nila kami, un buong choir, sa picture n yan.. andun ako sa taas nung miss India na katabi yung miss Korea.. yung sa may gitna.. nakakatuwa talaga.. ang galing! andami ko pang pics ng visit ng miss earth sa school eh, baka i-upload ko nalang for my next post..

anyways, at least for this day, nakalimot ako ng mga bagay bagay na medyo pinoproblema ko.. pero ngayong tapos na ang araw na ito, unti-unti ko na namang naaalala ang mga nangyari sa akin noong isang linggo.. nakakabuwisit talaga..

HAAAYYYY!!!!!!!! EWAN! basta maganda sila.. tulad ko! nyahahaha!